May tsismis

may nagwika at pumuna.

isang simpleng wika.

sakto ang puna sa sukat,

may lansa ang tangka

at walang lunas sa tama.

walang malay ang hininga

na hinugot-binuga

walang takot ang taong nanggapi.

may gitling na napukol

ang magiting na puna.

diin at rarok ang dama.

walang malay ang pansin,

walang alam ang puna,

walang dudang tangka. 



Leave a comment